Ang araling ito ay hindi lamang inilalarawan ang iglesya, ipinapakita din nito paanong ang bawat miyembro ng katawan ni Cristo ay maging kapaki-pakinabang habang isinasagawa ang kanilang natutunan. Itong aralin ni Donald Smeeton ay nagbibigay sa mananampalataya ng mas mabuting pagkaunawa ng kanilang kalagayan sa iglesya at ipinapakita kung paano tupdin ang kanilang kakayahan bilang isang hindi maihiwalay na bahagi ng katawan ni Cristo.
Sinabi ni Jesus, “Itatayo Ko ang Aking iglesya at hindi makapananaig sa kanya ang kahit na kapangyarihan ng kamatayan” (Mateo 16:18).Ito’y isang kahanga-hangang pangako. Ang Dios ay may plano sa iglesya sa panimula pa lamang ng sanlibutan. Makikita natin na ang plano ng Dios ay umaabot din hanggang sa hinaharap. May inihandang dakilang bagay ang Dios para sa atin! Kahit may problema tayo ngayon, matatanaw natin ang hinaharap na may pananampalataya.
Sa unang aralin, nakita natin ang iglesya sa pangwalang-hanggan na pananaw. Plinano ng Dios ang iglesya, at ang Dios ay gumagawa sa Kanyang iglesya. Isang araw, tatapusin ng Dios ang Kanyang plano para sa iglesya. Muling darating si Jesus sa lupa at kukunin Niya ang iglesya at makakasama Niya sa langit. Ngayon, ating tingnan ang iglesya sa pananaw ng mundo. Nang sinabi ni Jesus, “Itatayo Ko ang Aking iglesya,” Kanyang ipinapahiwatig “dito sa lupa.” Sa araling ito sandali nating tingnan anong nangyari mula sa Pentecost hanggang sa kasalukuyan.
Marami na tayong napag-aralan tungkol sa nakaraan ng iglesya. Napag-aralan din natin ang kahulugan ng salitang iglesya. Ngayon handa na tayong tingnan ang kasalukuyan. Hindi tayo nabubuhay sa nakaraan.Mayroon tayo ngayon. Ano ang kahulugan ng iglesya sa akin? Sa araling ito ating tingnan ang iglesya at ikaw. Ito’y personal na aralin. Maaaring ito ang pinakamahalagang bahagi nitong aklat.
Ang mananampalataya lamang ang totoong miyembro ng iglesya ng Dios. Sa huling aralin, ating nakita ang mananampalataya ay tinatawag sa maraming pangalan. Ang mga ito ay alagad, banal, kapatid, at mga Cristiano. Bawat pangalan ay nagsasabi sa atin ng tungkol sa kanila. Sa ganitong paraan, ang iglesya ay tinatawag din sa ibang mga pangalan. Bawat pangalan ay nagsasabi ng tungkol sa iglesya. Malimit sinasabi ng Biblia ang iglesya ay parang katawan. Sa araling ito, malalaman natin ang ibig sabihin nito.
Sa huling aralin, nakita natin paanong ang iglesya ay parang isang katawan. Nakikita natin ang mga tao ay maaaring magkaiba sa isa’t isa ngunit mayroon pa ring pagkakaisa. Natapos natin ang aralin sa pamamagitan nang pagsasalang-alang sa magagawa natin sa iba. Ang araling ito ay may parehong tema. May katungkulan tayo sa ibang mananampalataya. Kapag hindi tayo nagbahagi sa iba, sinasaktan natin sila. Ang araling ito ay dapat makatulong sa iyo na gawin ang iyong bahagi sa katawan ni Cristo.
Sa huling aralin, nakita natin na ang mga mananampalataya ay may pananagutan sa ibang mananampalataya. Lahat ng mananampalataya ay bahagi ng pamilya ng Dios. Ang mga Cristiano ay may natatanging kaugnayan sa mga kapatid kay Cristo. Ngunit ang iglesya ay may katungkulan din sa hindi mananampalataya. Ang isang Cristiano kailanman ay huwag makalimot tungkol sa mga nasa labas ng iglesya. Sa Araling ito, ating tingnan ang katungkulan ng mananampalataya sa hindi mananampalataya.