Nang lalangin tayo ng Dios, naglagay Siya sa atin ng isang bagay para maabot Siya. Maunawaan natin na kailangan natin ang isang kapangyarihan na higit sa atin upang lutasin ang ating mga suliranin, ipagtanggol tayo, at matagpo ang ating mga pangangailangan. Sa panalangin matututo tayong umabot sa Dios para tulungan tayo at ang kursong ito ni J. Robert Ashcroft ay ipinapakita sa atin kung paano matutugunan ang ating panalangin at matagpo ang ating pangangailangan habang nananalangin at sumasamba tayo sa Dios. Nailimbag at nakaaudio .
Ikaw ba’y nagtataka bakit ibang mga tao ay tumatanggap ng kahanga-hangang sagot sa kanilang panalangin samantalang ikaw ay tila walang kasagutan? O bakit ang ilang tao ay madaling makausap ang Dios pero ikaw ay hirap sa iyong sasabihin? Maaaring bawat Cristiano ay natanong ang mga ito sa kanyang sarili. Maging ang mga alagad ni Jesus ay may tanong tungkol sa panalangin. Kaya hiniling nila sa Kanya sa Lucas 11:1, “Panginoon, turuan Mo kaming manalangin.” Sinagot ni Jesus ang kahilingan hindi lamang sa pamamagitan ng Kanyang salita kundi maging sa Kanyang halimbawa. Binigyan Niya ang mga alagad ng isang panalangin na magagamit nila at ipinakita Niya sa kanila paano manalangin. Gawin nating kahilingan ang kahilingan ng mga alagad habang pinag-aaralan natin itong aralin tungkol sa panalangin.
Sa araling ito, matututunan mo kung paano lumapit sa Dios na may tamang saloobin na nagpapakita ng paggalang at pagdakila na nararapat sa Kanya. Matututunan mo ang tinuturo ng Biblia tungkol sa paraan,panahon at lugar para manalangin. Ang matututunan mo ang magbibigay sa iyo ng tiwala kapag nakikipag-usap ka sa iyong Amang nasa Langit.
Nangusap na ba sa iyo ang Dios? Mas malimit ang ating panalangin ay pakikipag-usap ng isang tao lamang - at tayo ang nagsasalita. Dapat nating matutunan na pakinggan ang Dios at ano ang maaari Niyang sabihin sa atin kapag tayo ay mananalangin. Kapag ginawa natin ito, matutuklasan natin paano tayo magiging kasama Niya. Gagabayan tayo, tutulungan tayo, at magkakaroon ng bahagi sa Kanyang gawain. Sa araling ito, matututunan mo ang tungkol sa mga paraan paano Siya maaaring mangusap at paano mo Siya mapapakinggan.
Ang buhay Cristiano ay natatag sa pananampalataya. Naniniwala tayong mahal tayo ng Dios at may malasakit sa ating problema kaya manalangin tayo sa Kanya na may tiwala, umaasang Siya ay tutugon. Naniniwala tayong gagawin Niya ito sapagkat sinasabi ng Kanyang Salita, ang Biblia. Ang Salita ng Dios ay lubos na maaasahan at mapagkakatiwalaan, kagaya Niya. Ipinaliliwanag ng araling ito ang mga paraan kung saan ang Biblia ay makatulong sa iyo kapag ikaw ay mananalangin. Matututtunan mo paano pag-aralan ito, gamitin ito kapag manalangin ka, at isagawa ang mga pangako.
Ipinaliliwang ng araling ito ang panuntunan ng pananalangin kasama ang iba at ibinibigay sa atin ang ganitong uri ng pananalangin mula sa Biblia. Sa pagsasagawa nitong mga panuntunan yumayabong ang espiritual mong buhay. Lumalakas ang iyong ugnayan sa iyong Ama sa langit, at mga kapatiran na bahagi ng Kanyang pamilya na kasama ka.
Ginabayan ng Espiritu Santo ang panalangin ng mga tao at mga kamangha-manghang bagay ang naganap. Maraming paraan ang Espiritu Santo para tulungan tayo sa ating pananalangin. Habang pinag-aaralan ito, matututunan mong patulong sa Kanya. Ang araling ito ang tutulong sa iyo: na ipakita ng Espiritu Santo sa iyo ano ang iyong ipapanalangin at paano mananalangin, at abutin mas malalim na antas nang pagsamba at mga tagumpay sa panalangin habang iyong pinahihintulan ang Espiritu na manalangin sa pamamagitan mo.