Sino Si Jesus

Ang pinakamabuting lugar na maalaman ang pagkakilanlan kay Jesus ay sa Biblia. Ang kursong ito ay sinulat ni Elton G. Hill at iniangkop ni Louise Jeter Walker, ay nagbibigay nang malinaw na pananaw sa buhay ni Jesus simula sa Kanyang kapanganakan at nagpapatuloy hanggang sa mga propesiya tungkol sa Kanyang muling pagparito. Sa dulo ng kursong ito, may paanyaya sa bumabasa na magkaroon ng personal na karanasan kay Jesus.

Panoorin/Idownload ang Kabuuan ng Kursong Dokumento icon Panoorin/Idownload ang Pambungad na Dokumento icon


Maaari ba kitang matanong? Sino sa akala mo si Jesus? Ilang tao ay nagsasabi ,”Siya ay dakilang Guro.” Iba ay nagsasabing Siya ay propeta, isang pilosopo, Dios ng Kanluranin, o isang mabuting Tao na dapat nating sundan ang Kanyang halimbawa.
Si Jesus ay isang dakilang Guro at Propeta ngunit higit pa Siya roon. Higit pa Siyang isang pilosopo o isang halimbawa para sa atin. Sa araling ito, marami tayong malalaman tungkol kay Jesus .

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Ang mga pangako ay bahagi ng ating mga buhay. Lahat tayo ay naghahangad na may isang tutupad sa pangakong binitiwan sa atin. Kung minsan kailangan tayong maghintay nang matagal. At kung minsan tayo ay nabibigo.
Ang Dios ay gumawa ng mga pangako. Sa maraming daang taon bago ipanganak si Jesus, ang Dios ay nangako na isang Mesias ay darating. Sinabi ito sa pamamagitan ng mga propeta, inilalarawan ito at kung ano ang Kanyang magagawa.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Ilang mga katotohanan tungkol sa Dios ay mas madaling maintindihan kaysa iba. Halimbawa, ating naiintindihan ang Dios ay parang isang ama . Nakikita natin ang mabuting ama’ y naglalaan para sa kanyang mga anak at minamahal sila.
Ibang mga katotohanan tungkol sa Dios ay hindi madali na maintindihan. Isang katotohanan na mahirap maintindihan ay tungkol sa paksa ng araling ito – ang katotohanang si Jesus ay Anak ng Dios.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Sa buong sanlibutan, si Jesus ay kakaiba. Wala Siyang katulad, sapagkat Siya ay Dios at Tao. Ito ang turo ng Biblia.
Ngunit bakit kailangan naisin ni Jesus ang maging tao? Para Siyang isang mayamang tao na iniwan ang Kanyang palasyo at lahat Niyang pag-aari at namuhay na isang hamak. Parang makapangyarihang hari na iniwan ang lahat na gumagalang at sumusunod sa kanya para kamumuhian at kinasusuklaman.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Mailalarawan mo ba ang kalagayan ng isang hindi makapagsalita? Walang paraan para makipag-usap sa iba? Nakakatakot na pagkahiwalay at kabiguan!
Ang kakayanan nating makipag-usap ay nagmula sa Dios na lumalang sa atin. Nais Niyang makilala natin Siya.Si Jesu-Cristo ang pasimula at wakas ng lahat ng nais ng Dios na malaman natin tungkol sa Kanya

Panoorin/Idownload ang Aralin icon

Lumakad ka na ba sa dilim at hinangad mong may ilaw para makakita ka? Hindi mo alam ang mga panganib sa tabi o sa dinadaanan mo. Madali mong maunawaan kung bakit sa Biblia ang kadiliman ay simbolo ng kasamaan kamalian, walang katiyakan, kaguluhan at kamatayan. Ang mga bagay na ito ang tumatakot at lumilito sa atin.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon

Napag-aralan mo na ang maraming bagay tungkol kay Jesus. Natutunan mo na Siya ang ipinangakong Mesias, ang Anak ng Dios, ang Anak ng Tao, ang Salita ng Dios, at ang Ilaw ng sanlibutan. Sinasabi ng mga titulong ito ang mahalagang katotohanan kung sino Siya. Ang mga ginagawa ni Jesus ay isang paraan para maunawaan natin kung sino Siya. Sa araling ito, masusuri natin ang dalawang bagay na ginagawa Niya: Si Jesus ay nagpapagaling sa ating katawan at kaluluwa, at Siya ang nagbabautismo sa atin ng Espiritu Santo.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon

Iyong natutunan na si Jesus ay nagpapagaling at nagbabautismo ng Espiritu Santo. Ngunit mayroon pa Siyang ginagawa na pinakamahalaga sa lahat. Si Jesus ay nagliligtas! Sinasabi ng Biblia na si Jesus ay dumating para hanapin at iligtas ang nawawala. Ang payak na pahayag na ito ang kahulugan ng relihiyong Cristiano. Ang mga ibang relihiyon ay nagsisikap na magbigay ng huwarang panuntunan sa buhay. Ngunit hindi nila maibigay sa kanilang mga tagasunod ang tunay na kapangyarihan para pagtagumpayan ang kasamaan.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon

Ang kamatayan ay nakatayo sa dulo ng daanan ng bawat nilalang – matatag, hindi mapigilan at katapusan. Mayaman at mahirap parehong haharapin ito balang araw. Sa marami, ang kamatayan ay nagbibigay ng takot at sindak. Ngunit doon sa mga sumasampalataya kay Jesus, may malinaw na pagkakaiba. Hindi sila dapat matakot sa kamatayan. Bakit? Sapagkat nagtitiwala sila sa Kanya na Siyang Pagkabuhay at Buhay.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon

Sa lipunan palaging may mga taong may kapangyarihan sa iba. Ang lipunan ay walang pagkakaiba noong panahon na maipanganak si Jesus. Ang Roma ay hindi naibagsak ng mga Cristiano. Si Jesus ay bumalik sa langit, at ngayon ang sanlibutan ay puno ng diktador, malulupit at maniniil. Ano Siyang Panginoon? Anong kapangyarihan mayroon Siya? Kailan Niya pamamahalaan ang lahat? Ito ang mga tanong na sasagutin ng araling ito.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon
Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon