Ang Iyong Biblia

Ang Iyong Salita ay ilaw na gumagabay sa akin at liwanag sa aking daraanan, sabi ni Haring David maraming taon na ang nakaraan. Gaano man kahirap ang iyong kalagayan, o anong pasiya ang iyong gagawin, mayroon kang katiyangan kagaya ng Haring David Ang 107 na araling ito ay hinango ni Judy Bartel mula sa original na kursong sinulat ni Louise Jeter Walker, ipakikilala sa iyo ang Biblia at tulongan ka sa pag-aaral mo upang mangkaroon ng pagkaunawa sa pagtanaw ng Dios sa ating kalagayan at pagtulong Niya kung hihilingin natin sa Kanya.

Panoorin/Idownload ang Kabuuan ng Kursong Dokumento icon Panoorin/Idownload ang Pambungad na Dokumento icon

Kapag pinag-aralan mo ang Biblia, ito’y may epekto sa iyong buhay, na maaaring tumalab sa buhay ng iba. Matututunan mo sa araling ito paano mo mapakinabangan ang pag-aaral ng Biblia. Sakop nito ang paksang bakit pag-aralan ang Biblia, pakinabang sa pag-aaral ng Biblia, at ang kahalagahan ng regular na pag-aaral ng Biblia.

Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon

Pinagtakhan mo na ba paano ibinigay ng Dios sa atin ang Biblia? Ito ba marahil ay tinipon ng mga angel at iniwang naghihintay na mayroong “makakita” nito? Ang Dios ay gumamit ng karaniwang mga tao sa lahat ng antas ng buhay at sa loob ng higit na sandaang mga taon para ibigay sa atin ang Aklat na tinatawag na Biblia. At ang kasunduan at pagkakaisa nila na mga sumulat ay tumatayo bilang patotoo sa Dios na hindi nagbabago.

Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon


Ang Biblia din ay dapat maisaayos para makuha natin kung ano ang kailangan natin. Alam ito ng mga nagpalathala. Anuman ang pagkasalin, nakahawak sila sa parehong kapitulo at bersikulo nang sa gayon ang mga tao ay huwag “mawala” sa paghahanap nang gusto nila.
Sa araling ito matututunan mo paano sabihin at isulat ang reperensiya ng Biblia at paano gamitin ang saligan ng tulong sa pag-aaral na gagabay sa atin sa mga paksa at bersikulo na gusto nating hanapin.

Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon

Maaasahan natin ang mga aklat ng kasaysayan na sabihin sa ating ang tungkol sa kanilang mga bayani, ngunit sa Matandang Tipan isinasama nito ang karaniwang mga tao nang panahon nila. Mga kuwento ito na higit na mahalaga, sapagkat ito’y nagbibigay ng malinaw na larawan paano ang pakikitungo ng Dios sa Kanyang bayan. Ang Matandang Tipan ay nahahati sa limang mahalagang tema. Sa Aralin 3, natutunan natin ang tungkol sa maliliit na paghahati ng mga aklat –ang mga kapitulo at mga bersikulo. Tingnan natin ngayon ang pangunahing paghahati o pagkabukod-bukod.

Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon

Sa panahon na ang Bagong Tipan ay sinusulat, ang larawan ng Matandang Tipan ay malaki na ang pinagbago. Ang panahon ng mga propeta ay nawala na ang marami sa mga tao ay walang pagpapahalaga sa mga spiritual na bagay. Hindi pagkakataon lang na isinugo ng Dios ang Kanyang Anak sa sanlibutan sa panahong ito. Nagbigay ang mga Greeks ng karaniwang wika para ipabatid ang ebanghelyo at ang mga Romano ay nagbigay ng makatwirang pagtatanggol at kalayaan para sa ebanghelismo.

Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon


Halos bawat Cristiano ay kinakaharap sa malaon at madali ang tanong na,”Paano mo malalaman na ang Biblia ay totoo?”
Ang tanong ay hindi na bago. Ang unang tukso ng sangkatauhan ay nagsimula sa isang pag-atake sa Salita ng Dios. Ang Diablo sa anyong isang ahas ay nagsabi kay Eba, “Totoo bang sinabi ng Dios…? (Tingnan ang Genesis 3:1)Ang Diablo ay nagmungkahi pa ng parehong pag-aalinlangan, “Totoo bang sinabi ng Dios yan?”

Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon