Bawat isa ay kailagan ang mga kaibigan at bawat isa ay pinahahalagahan yaong mga kaibigan na laging nariyan sa panahon na sila ay kailangan. Bawat isa sa atin ay may natatanging kaibigan ang Banal na Espiritu at ang araling ito ni Louise Jeter Walker ay nagsasabi ng tungkol sa isang tanging kaibigan. Maraming mag-aaral ang nakaranas ng bautismo ng Espiritu Santo pagkatapos mapag-aralan ang kursong ito.
Ngayon, higit kailanman sa kasaysayan ng sanlibutan, pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa Espiritu Santo at ang Kanyang gawa. Kanilang natuklasan na Siya ay isang Tao, hindi lang lakas.
Makatutulong ang araling ito sa iyo:Ipaliwanag sino ang Espiritu Santo. Ilarawan kung paano ang Espiritu Santo ay iyong Kaibigan, at itala ang pitong tiyak na titulo ng Espiritu Santo, maipakita kung sino Siya at ano ang Kanyang ginagawa.
Bakit naparito ang Espiritu Santo? Si Melvin Hodges, isang Pentecostal na manunulat ang nagsabi na para nagkaroon tayo ng kakayanan na isipin ang isipan ng Dios. Ang likas nating pag-iisip ay makasarili; ang banal na programa nang pagkatawag ay pagbibigay ng ating sarili para sa iba. Iniisip ng Dios ang iba. Kaya kailangang mangyari na ang ating kaisipan ay nakalinya sa kaisipan ng Dios. Nangyari ito pagdating ng Espiritu.
Isang mag-aaral na nabautismuhan ng Espiritu ang sumulat: “May isang pagkabago sa panalangin; isang pagkabago na para sa karamihan ay tanda ng panimula ng isang buhay na malalim sa pananampalataya.”
Ang araling ito ay makatutulong sa iyo: matuklasan ang mahalagang katotohanan tungkol sa panalangin habang tintuturuan ka ng Espiritu Santo, pagsamba sa Dios sa isang bago at mas malalim paraan habang ang Espiritu Santo ay nagbibigay-sigla sa iyo, sabihin kung ano ang nangyari nang hinayaan mong ang Espiritu ay manalangin sa pamamagitan mo.
Ang Espiritu Santo ay dumating para ituro ang katotohanan. Ngunit paano Niya tayo tuturuan kung kinakaligtaan natin ang Biblia, ang Salita ng Katotohanan? Naparito Siya para bigyan tayo ng kapangyarihan na sumaksi at kapangyarihan para manalangin. Paano NIya magagawa ang dakilang gawain Niya sa pamamagitan natin at sa atin kung mananahimik tayo tungkol sa ating pananampalataya at kaligtaan ang pananalangin?
Ang lumalakad sa Espiritu ay pagpapaubaya sa Espiritu Santo na pangunahan ka. Ngunit paano nga ba Siya mangunguna? Ang araling ito ang tututgon sa mahalagang tanong na iyan.
Ang Cristianismo na wala ang Espiritu Santo ay isang kabibi na maganda ang hitsura, ngunit walang buhay, patay. Tanging ang Dios, ang Banal na Espiritu ang makapagdudulot ng ningas na may alab. Ang Biblia ay puno ng pangako at pangaral para sa atin upang makalapit sa Dios nang buong tiwala at pananampalataya para tanggapin itong pangako.
Ang araling ito ang tutulong sa iyo para: ipaliwanag ang layunin ng kapangyarihan, na ibinibigay sa iyo ng Espiritu Santo, sabihin ang sinasabi ng Biblia tungkol sa Bautismo ng Banal na Espiritu, ibigay ang mga tanda ng Banal na Espiritu na nagpapakita ng Kanyang presensiya sa buhay ng mga mananampalataya.
Ating natutunan na ang Banal na Espiritu ay siang kaloob. Kailan tayo handa para tanggapin itong kaloob?
Una, tiyakin na may karanasan tayo sa pagiging puspos ng Espiritu. Matiyak natin na ito ay hindi kakaiba. Makita natin na ito ang tamang gawain ng God
Pangalawa, nasain natin na mapuspos ng Espiritu Santo. Handa ba tayong pangunahan ng Espiritu ng Dios ang buhay natin? Kung oo, handa na tayong mapuspos ng Espiritu Santo.