Sa pagtanggap mo sa Panginoong Jesus bilang iyong Tagapagligtas, nagpasimula ka ng isang bagong buhay. Siya ang nagbibigay buhay-kahanga-hanga, masagana at masayang buhay na hindi magwawakas. IAng kursong ito y isinulat ni Louise Jeter Walker na tutulong para ipaliwanag kung ano ang tungkol sa bagong buhay na ito. Makukuha na nakalimbag at nasa audio.
Sa unang aralin iyong mapag-aaralan kung ano ang sinasabi ng Biblia sa pagbabagong naganap sa iyo. Malalaman mo ang tungkol sa bago mong karapatan at pananagutan. Matutuklasan mo ang isang bagong pamilya na doon ka naipanganak. At makikita mo ang tungkol sa bagong relasyon na nais itayo ng Dios kasama ang mga kapatiran sa Panginoon.
Nakapanood ka na ba ng isang batang natututong lumakad? Halos di makatayo, ito ay uuga-uga at pasuray-suray sa silid, hinahawakan ang anumang maabot. Ito ay nakakatuwa. Anong tanawin – parang nasakop ang buong mundo.Kaya, minsan gumagalaw, minsan nakatayo, minsan bumabagsak- ngunit laging tumatayo at nagpapatuloy – ang bata ay natututong lumakad. Aang hangaring magtagumpay ay malakas. Sa lahat ng panahon ang mga magulang ay nakaantabay, umaabot para tumulong at pinasisigla ang bawat paghakbang.
Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maintindihan mo paanong ang Dios ay nagsasalita sa iyo. Minsan direktang magsalita Siya sa iyo. Sa ibang pagkakataon gagamitin ang Kanyang Salita, ang Biblia. At sa iba pang panahon, gagamitin ang ibang Cristiano. Sa pag-aaral sa araling ito, matutuklasan mo paanong makilala ang boses ng iyong Ama kahit anong paraan ang Kanyang pipiliin.
Ipaliliwanag ng araling ito ang apat na panuntunan ng espiritual na paglago. Habang iyong pinag-aaralan ito, makikita mo kung paano ito gagamitin sa sarili mong buhay. Kahanga-hanga ang bunga nito. Ang nakasasamang gawi ay mapapalitan ng mabubuti. Ikaw ay lalago araw-araw at maging isang ganap na tao na nais ng Dios sa iyo.
Isang uri ng pagbabago ay nagaganap sa iyong buhay ngayon. Bumubukadkad ang iyong espiritual na buhay. Sa “paglago” mo kay Cristo, bagong hilig ay pinapalitan yaong mga luma. Mayroon ding bagong pananagutan –yaong nagbibigay sa iyo ng bagong uri ng gantimpala at kasiyahan. Makikita natin sa araling ito ang mga natatanging pagbabago at mga gawain, at mga taong kabahagi mo sa iyong bagong hilig.
Ang mga pamantayan ay kailangan din kung nais ng isang tao na maabot ang natatanging hangarin. Halimbawa, ang mga manlalaro ay sumusunod sa mga pangaral ng kanilang tagasanay. May nga bagay na kanilang ginagawa at hindi ginagawa. Ang layunin nila ay paunlarin ang kakayahan at kalakasan upang makamit ang gantimpala. Ngayong ikaw ay isa nang Cristiano, mayroon kang bago at natatanging hangarin. Ang hangaring ito ay umangkop sa naisin ng makalangit mong Ama. Ito ang isang dahilan bakit kailangan mayroong pamantayan. Plano ng iyong Ama sa langit na maging bahagi ka ng Kanyang pamilya at maabot mo ang hangarin na mayroon Siya para sa iyo. Ipinapaliwanag ng araling ito ang bagong pamantayan na bigay ng Dios para makatulong sa iyo. Pagsunod sa mga ito ay magbibigay ng maraming pakinabang.
Habang hinahayaan mo ang Banal na Espiritu ang gumagabay sa iyo, matututunan mong ingatan ang mga pamantayan na bigay ng Dios sa iyo. Bibigyan ka ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan na talikdan ang kasamaan at piliin ang tama. Araw araw ay lumalago kang katulad ng iyong Ama sa Langit. Oo, mayroon kang kahanga-hangang Katulong. Ipaliliwanag ng araling ito kung sino Siya at paano Siya tutulong sa iyo.
Marami ang nanonood sa iyo para makita kung ang iyong sinasabi tungkol sa kapangyarihan ng Dios ay totoo. Nakikita nila ito sa iyong buhay, paanong ang ebanghelyo ay bumabago ng tao. Ang iyong ginagawa higit sa iyong sinasabi, ay patotoo para kay Jesus. Sa araling ito, ating tingnan ang ilang sinag ng liwanag na lumiliwanag mula sa iyong buhay sapagkat si Jesus ay namumuhay sa iyo. Ang mga sinag na ito ang hihikayat sa iba na ang ebanghelyo ay totoo.
Walang ibang dakilang pagpapala sa mundong ito kundi ang pagkakaroon ng isang tunay na Cristianong tahanan. Ito ay kanlungan mula sa bagyo ng kasalanan at kaguluhan sa paligid. Ito ay isang lugar kung saan ang mga bata ay dama na ligtas at minamahal. Magagawa mong ang iyong tahanan ay “little bit of heaven” kung gagawin mo ang sinasabi ng Dios sa iyo!
Ipinaliliwanag ng araling ito ang uri ng kalayaan na mayroon ka ngayon dahil ikaw ay anak ng Dios. Ang kalayaang ito ang nagpalaya sa iyo mula sa nakakatakot na bunga ng kasalanan, lumaya ka mula sa takot na baka hindi mo kayang mabigyan ng kasiyahan ang Dios. Ito ang tutulong sa iyo para mapagtagumpayan ang espiritual na kamalian at kaguluhan. Ang mga pagpapalang ito ay sasaiyo dahil sa ginawa ni Cristo. Ang mga iIto ay nagsisimula pa lamang. Ang bagong buhay mo ay nagsimula na at hindi kailanman magwawakas.