Malugod ka naming tinatanggap sa pamilya ng Global Univesity! Mga bata sa maraming bansa ay pinag-aaralan ang mga araling ito. Gayon din ang kanilang mga magulang at nakakatandang mga kapatid. Bakit? Sapagkat ibig nilang mabasa ang tungkol sa mga dakilang babae at lalaking nabuhay noong araw. At dahil kawili-wiling tingnan ang mga larawan at gawin ang mga ipinapagawa sa bawat aralin. Higit sa lahat, maiibigan mo ang mga araling ito pagkat matututo ka ng tungkol sa Dios. Mahal ng Dios ang mga taong mababasa mo rito. Marami Siyang ginawang kahanga-hangang mga bagay para sa kanila . Gayon din ang Dios sa iyo.
Pag-aralan ito – Tungkol sa Dios. Ang Dios ay may isang aklat na tinatawag na Biblia. Sinasabi ng Dios ang katotohanan tungkol sa Kanya sa Biblia. Ang Dios ay hindi nagbabago. Magagawa ng Dios ang anuman.Ginawa Niya ang sanlibutan . Ang Dios ay nasa lahat ng dako at alam Niya ang lahat. Ikaw ay nilalang ng Dios. Kilala ka Niya, mahal ka Niya. Ang Dios ay mabuti. Kapag kilala mo Siya, mamahalin mo Siya.
Pag-aralan ito – Tungkol sa Dios. Magagawa ng Dios ang di magagawa ng kahit sino. Ang Dios ay nakalilikha-ng bagay buhat sa wala. Ginawa ng Dios ang ang daigdig sa loob ng anim na araw. Ginawa ng Dios ang isang mabuting daigdig upan tirahan mo. Ginawa ng Dios ang anim na araw para sa paggawaat isang araw naman para sa pahinga. Sinasabi sa iyo ng Dios sa Genesis kung paano Niya ginawa ang daigdig. Ang Genesis ay nasa unang bahagi ng aklat ng Dios – ang Biblia
Pag-aralan ito – Tungkol sa Dios – Nilalang ng Dios ang unang lalaki at babae na kawangis Niya. Nais ng Dios na sila’y maging mga anak Niya. Mahal ng Dios ang Kanyang mga anak at iniingatan sila. Ikaw ay nilalang din ng Dios at ibig Niyang maging anak Naiya. Magiging masaya sa paggawa ng naisin ng Dios.
Pag-aralan ito - Tungkol sa Dios –Itinuturo ng Dios sa Kanyang mga anak ang paggawa ng mabuti. Sinisikap ng kaaway ng Dios na magkasala ang tao. Nahiwalay sa Dios sina Adan at Eba dahil sa kasalanan. Mahal pa rin ng Dios yaong mga gumawa ng hindi tama. Sinasabi ng Dios mula sa Biblia ang dapat mong gawin.
Pag-aralan ito - tungkol sa Dios – Tutulungan ka ng Biblia para higit mong makilala ang Dios. Tutulungan ka ni Jesus na higit mong makilala ang Dios. Tutulungan ka ng Espiritu ng Dios para higit mo Siyang makilala. Tutulungan ka ng mga anak ng Dios para higit mo Siyang makilala. Makikilala mong higit ang Dios sa langit.