Ito ay isang kurso na tumatalakay sa pangunahing katuruan ng Biblia at bumabanggit ng mga paksang dapat malaman ng bawat Cristiano , mula sa kalikasan ng Dios at ang pagkatao ni Cristo , ang katangian ng Iglesya at ang buhay ng mananampalataya. Ang araling ito ni Judy Bartel ay tumatalakay sa 16 na mahahalagang katotohanan sa Kasulatan at binabalangkas ang kanilang katuturan sa mga Cristiano ngayon. Ang pagkaalam sa sinasabi ng Biblia tungkol sa mga paksang kasalanan, kaligtasan, ang Espiritu Santo, at ang hinaharap ay napakahalaga para sa mga Cristiano sa bawat antas ng kanilang paglago.
Bagamat nasa lupa, marami sa mga tao ay parang mga nawala sa unos sa gitna ng karagatan. Tinatanong nila ang kanilang mga sarili. Saan ako patungo? Ako ba ay nawawala? Mahahanap ko pa kaya ang tamang daan? Narinig ng Dios ang ating mga tanong at ibinigay na sa atin ang isang Aklat na gabay sa ating buhay. Bago saliksikin ang mga sagot, sabay nating tingnan ang isang dakilang Aklat. Makikita natin paano ito nasulat at naibigay sa atin.
Sa isang banda, ang Dios ay maaaring ihambing sa isang unos. Ang ilan ay kinatatakutan Siya at ang iba ay minamahal Siya – ayon sa kung ano ang nasabi sa kanila at ano ang ginagawa nila tungkol dito. Hindi mo nakikita ang Dios ngunit mapag-aaralan mo kung ano ang ginagawa Niya. Sa Aralin 1 ating natutunan na sinasabi ng Biblia ang lahat tungkol sa Dios – tungkol sa Kanyang katangian at paano Siya makitungo sa sangkatauhan. Sa araling ito ating tunghayan sa Biblia at siyasatin ang ilan sa maraming bagay na may sinasabi tungkol sa Dios.
Alam natin ang kuwentong Pinocchio ay isang katha-katha, ngunit nagbibigay sa atin ng isang larawan ng damdamin ng Dios nang nilikha Niya ang tao. Nilikha Niya itong maganda at higit sa lahat, may kakayanan na gumawa ng sariling pagpili. Nilikha ng Dios ang tao, ngunit hindi ito inukit mula sa kahoy. Paano Niya ito nilikha?Anong mga katangian ang inilagay Niya sa tao? Ating tingnan paano ginawa ng Dios ang tao at ang mga pananagutan na ibinigay Niya sa kanya.
Ang Dios inilagay si Adan at si Eba sa isang magandang halamanan at naging tagapamahala sila nito. Pinahintulutan Niyang kainin nila ang lahat ng bawat puno maliban sa isa. Dumating si Satanas na nagsabi sa kanila na kainin ang bunga ng puno. Nagtiwala sila sa kanyang salita sa halip na sa Dios. Ginawang sakdal ang tao ngunit sa pamamagitan ng pagsuway, ang kasalanan ay pumasok sa kanyang buhay. Paano natin ipaliliwanag ang kasalanan? Ano ang kaparusahan ng kasalanan? Maiiwasan ba ito? Itong aralin ang magbibigay sa atin ng katugunan.
Isang araw ,isang kaibigan ang may maraming tanong. Sino si Jesus? Paano Siya naging tao at naging banal din? Kung Siya’y namatay, bakit sinasabi ng mga Cristiano na Siya ay buhay? Ano ang ginagawa Niya ngayon? Ang pinakamabuting sagot ay matatagpuan sa Biblia, ang Salita ng Dios. Sa araling ito makikita ang parehong mga tanong at masusumpungan ang mga sagot na gustong malaman ng aking kaibigan.
Ang Espiritu ng Dios ay hindi mararamdaman ng isang bansa lang, o ministro ng isang lahi ng tao – kundi ng buong sanlibutan. Sa Araw ng Pentecostes, si Pedro ay nagsalita sa grupo ng mga 15 magkakaiba ang wika. Sa Aralin 6, napag-aralan natin ang tungkol sa kaligtasan. Alam mo ba na tayo ay naligtas sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu Santo? Ating pag-aralan ang tungkol sa Espiritu Santo at ang Kanyang gawa sa atin.
Ang iglesya sa mas malawak na pananaw ay binubuo ng lahat ng mananampalataya. Ito’y tinatawag na Katawan ni Cristo. Ang Dios ay nananahan sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Sa Aralin 7 ating napag-aralan ang tungkol sa Espiritu Santo at ilan sa Kanyang tungkulin. Isa sa mga tungkulin na hindi natin nababanggit ay pinagkakaisa Niya ang iglesya. Sa Araling ito mapag-aaralan natin kung ano ang iglesya, ano ang kanyang ginagawa, at ano mangyayari dito. Muli, ang Biblia ang magbibigay sa atin ng tamang mga sagot.
Ang Biblia ay isa sa pangagalingan ng totoong hula. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ibinibigay sa atin ang Dios ang kailangan nating malaman. Hindi na kailangan na “basahin” ang dahon ng tsaa, o baraha. Sa totoo lang ang mga ito at iba pang “magic” na baraha ay ipinagbabawal ng Dios. Kung ikaw ay nagnanais na malaman ang tungkol sa iyong kinabukasan at kung ano ang mangyayari kapag bumalik si Jesus, muli, magkakaroon ka ng pagkakagusto na pag-aralan ang araling ito. Mapag-aaralan mo ang tungkol sa kinakaharap na paghatol at ang panahon ng pagbabalik ni Jesus.
Sa Aralin 10, napag-aralan natin ang tungkol sa gagawin natin sa hinaharap; sa araling ito mapag-aaralan natin kung ano ang kinakailangan na gagawin natin para sa ngayon. Ang Dios ay nagsulat ng Sampung Utos sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay ito sa dakilang pinuno ng Israel, si Moises para sa kanyang bayan. Bagamat mga sinaunang batas, maaari pang magamit ngayon.
Hindi isang pagkakataon lamang na ang mga kapitulo bago at pagkatapos ng kapitulo 13 ay tungkol sa kaloob ng Dios sa mga mananampalataya. Ang kapitulo sa pag-ibig ay nakatali sa mga kapitulo ng mga kaloob sapagkat ang umiibig at nagbibigay ay magkasama. Ang isang paraan sa pagpapakita ng ating pag-ibig sa Dios ay sa pamamagitan ng pagmamahal at pagtulong sa iba. Ating tingnan ang sinasabi ng Salita ng Dios tungkol sa relasyon sa iba. Sa araling ito mapag-aaralan mo ang kaugnayan doon sa mga Nakahihigit sa Atin, Yaong nasa Paligid Natin at Yaong mga Laban sa Atin.
Ang kapitulong ito ay makatutulong sa atin na maunawaan kung ano ang utang natin sa ating sarili. Ganoon din kung paano sumunod sa Dios; sino ang may nais sa buhay natin ngayon at sa walang hanggan. Sa Araling ito mapag-aaralan mo ang halaga ng Pagtanggi sa Ating Sarili at Paglilinis sa Ating Sarili.
Ang mga tao ay hindi naipanganak na malakas na Cristiano, kundi hinayaan nila ang Dios ang gumawa sa kanilang buhay at umunlad ang pagkatao sa pagdaan ng mga taon. Kagaya ng mataas na puno,lumalim ang kanilang mga ugat at hindi maibuwal ng hangin. Nais mo bang maging higit na mabuting tao, yaong nagtitiwala sa Dios at tumatatag sa lahat ng sitwasyon? Maisasagawa natin ang ating natutunan at, gaya ng puno "lumagong mataas."
Si Jesus ay nangako sa Kanyang mga alagad na pagbalik Niya sa Kanyang Ama, ipadadala Niya ang Mang-aaliw, ang Banal na Espirutu. Ang pagdating ng Espiritu Santo ay nangyari sa Araw ng Pentecostes. Ang kuwento ay nasa Gawa 2. Mula noon maaari nang mamuhay bawat mananampalataya na puspos ng Espiritu. Sa araling ito malalaman natin ang kahulugan ng puspos sa Espiritu na buhay. Matututunan din natin ang gantimpala na kasama sa pagiging puspos ng Banal na Espiritu.