Ang walang hanggang kaligayahan ay hindi isang bagay na hinahangad lamang. Gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa iyo kaya Kanyang sinugo ang Kanyang Anak na si Jesus para iyong maging Kaibigan. Silang nagsitanggap sa Kanya ay may walang hanggang kaligayahan. Kaya si Jesus ang pinakadakilang handog na mapapasaiyo.
Si Jesus ay lumaki sa Nasaret, isang lungsod na may 15,000 katao sa lalawigan ng Galilea. Ito ang lugar na tinitigilan na nasa malaking daang-bayan sa pagitan ng Jerusalem at mga daungan ng Tiro at Sidon. Pangkaraniwan ang bisyo at krimen kaya sinasabi ng mga tao, “May mabuti bang bagay mula sa Nasaret?”Nakita ni Jesus ang kasalanan; kasakiman, kabulukan, kalupitan at pagrerebelde laban sa Dios. Nakita Niya na ang mga lalaki at mga babae ay alipin ng kasalanan.
Si Moises ay dakilang propeta at lider. Inakay niya ang kanyang bayan mula sa pagkaalipin at sa kanila’y ibinigay ang mga kautusan ng Dios. Ipinakita ng Dios kay Moises na ang Mesias ay magiging propeta rin upang ipahayag ang mensahe ng Dios sa mga tao. Pangungunahan ng Mesias ang mga tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Ang Mesias ay magiging Hari sa mga buhay ng mga tao at ibibigay Niya ang mga bagong patakaran upang kanilang ipamuhay.
May dalawang paraan ng pag-iiwan ng mana: sa pamamagitan ng isang habilin, o sa pamamagitan ng mga kaloob sa mga tagapagmana samantalang nabubuhay pa ang may-ari. Ibig na ibig na ng bunsong anak na lumisan ng tahanan upang matamasa ang buhay na malaya. Ibig niya na siya ang pumili ng mga kaibigan. Ayaw niya na masabihan ng kanyang ama’t kapatid ng dapat gawin. Kaya’t ibinigay ng ama ang kanyang bahagi sa mana at siya’y lumisan.
Ang mga pangunahing lider ng pananampalataya ay galit kay Jesus sapagkat nangaral Siya laban sa kanilang mga kasalanan. Sila’y naninibugho sapagkat karamihan ay sinusundan Siya. Binalak na ipadakip si Jesus,paratangan ng paghihimagsik at ipapatay. Gayunman, takot sila kung hayagang dakpin si Jesus, ipagtatanggol Siya ng mga tao. Kaya’t sinuhulan nila ang isa sa mga alagad Niya, si Judas Iscariote, upang dalhin sila sa kinaroroonan ni Jesus kung gabi.
Sina Nicodemo at Jose ng Arimatea, mga lider ng pananampalataya at nananampalataya kay Jesus ay humingi ng pahintulot mula kay Pilato upang mailibing si jesus. Alam nilang patay na Siya sapagkat iniutos nilang ulusin ang Kanyang tagiliran ng isang kawal. Binalot ng kasuutan ng patay ang bangkay, inilagay sa isang bagong yungib na libingan, tinakpan ng malaking bato ang bungangang pasukan. Nagunita ni Nicodemo ang sinabi ni Jesus: na Siya’y dapat “mataas”, mapako sa krus.