Ang kursong ito ay sumusunod sa halimbawa ng Ebanghelyo ni Juan at nakasentro sa katauhan ni Jesus. Tinatalakay nito ang maraming kilalang detalye sa buhay ni Jesus. Ang Kanyang mga turo, at Kanyang mga pahayag na hindi makikita sa ibang mga ebanghelyo. Ang may-akda na si Rex Jackson ay dinadala ang mambabasa sa bawat kapitulo na pag-aaral ng Evanghelyo ni Juan, at ipinakikita ang malinaw na paglalarawan kay Cristo na ibinigay ng minamahal na alagad ang pinakamalapit na taong nakasalumaha Niya sa panahon ng Kanyang ministeryo.
Sa araling ito mapag-aaralan mo : Ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng isang tao na ang pangalan ay Juan. Natutunan ni Juan ang Mabuting Balita. Ibinabahagi ni Juan ang Mabuting Balita, ang Salita ng Buhay, Ang Walang Hanggang Salita, Ilaw at Buhay. Ang Salita ay Naging Tao, ang Mensahe ni Juan Bautista, Ang Kordero ng Dios, Ang Unang alagad ni Jesus, at Tinawag ni Jesus si Felipe at Nataniel.
Sa araling ito mapag-aaralan mo: Binuhusan ng Pabango si Jesus sa Betania, Ang Balak Laban Kay Lazaro, Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem, Hinanap ng Ilang Griego si Jesus, Ipinahiwatig ni Jesus ang Kanyang Kamatayan, Kawalan ng mga Judio ng sampalataya kay Jesus, Judio, Ang Salita ni Jesus ang Hahatol.