Ang Pag-aasawa at ang Tahanan

Maraming mga kabataan ang kumukuha sa kursong ito bilang paghahanda sa pag-aasawa at makita ang ilang nasubok na nang panahon na mga tuntunin sa pagbuo ng isang masayang tahanan. Habang kanilang pinag-aaralan itong aralin ni Rex Jackson, ang mga miembro ng pamilya ay matututong magpahalaga sa bawat isa habang natututunan ang pangunahing panuntunan ng tamang pakikipag-ugnayan sa tahanan. Ang pag-aasawa ay tinatag ng Dios at ang pamilya ang tumatayong gusali ng lipunan. Kung walang malakas at matatag na pamilya, ang iglesya ay hindi magiging kagaya ng naisin ng Dios para sa kanya. Ang araling ito ay tumatalakay sa lahat ng aspeto ng pag-aasawa at ang tahanan upang ang pamilya ay maging malakas na masasandigan ng iglesya.

Panoorin/Idownload ang Kabuuan ng Kursong Dokumento icon Panoorin/Idownload ang Pambungad na Dokumento icon

Sa araling ito paag-aaralan natin paano ang kaugnayan ni Cristo sa Kanyang iglesya ay naipapakita sa bawat kasalan na ito ay natatag sa banal na panuntunan. Yaong uri ng pag-aasawa na pangmatagalan at natayo ayon sa huwaran at direksiyon na ibinigay sa Salita ng Dios.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Ang pamantayan ng Dios sa tama at mali ay nakalaan para ang Kanyang mga anak ay makapamuhay ng masagana.
Sa araling ito pag-aaralan natin paano yaong mga hindi masyadong nagpapahalaga sa batas ng Dios ay napagkaitan ng dakilang kasiyahan, ang lalong dakilang gantimpala na nakalaan para sa kanila.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon

Panalangin at tapat na pananaw sa sinasabi ng Biblia tungkol sa pag-aasawahan ang nagliligtas sa maraming kabataan sa paggawa ng malungkot na pagpili. Sa araling ito matutuklasan natin ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa pakikitungo ng tao sa buhay, ang kanyang mga katangian at ang kanyang asal.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon

Kung minsan dumarating na biglaan sa mga taong nagmamahalan ang di pagkakasundo. Ang pinakamabuting panahon na tuklasin at pakitunguhan ang mga ito ay bago ikasal. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga paraan para handa ang dalawa sa kasal, pagkakataon na magkakilala sa isa’t isa, at paanong ang Dios ay maparangalan sa kanilang buhay sa panahon ng kanilang pagtitipanan.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Kapag nagpasimula ang dalawang tao ng kanilang buhay bilang mag-asawa, di magtatagal ay kanilang matutuklasan na maraming pakikibagay ang kailangan.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang tungkol sa uri ng tahanan na tutupad sa layunin ng kanyang pagkabuo. Ating isaalang-alang ang mga pakikibagay na kakaharapin ng mag-asawa at mga paraan ng paglutas ng mga problemang lilitaw.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Ang tungkulin ng asawang lalaki ay naihalintulad sa Biblia sa pag-ibig ni Cristo sa igleysa – mapagmalasakit, at pananggol. Si Cristo ay nakikita ang ating kakayanan at ano ang nais NIyang mangyari sa atin, ngunit mahal Niya tayo at tinatanggap kung ano tayo.
Bawat Cristianong asawang lalaki ay may pangarap at layunin na inaasahan niyang matutupad sa isang masayang tahanan. Sa araling ito makikilala mo ang mga paraan kung saan ang lalaki ay pinangangalagaan ang kanyang tahanan habang isinasagawa ang bigay ng Dios na kanyang tungkulin.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Ang isang babae na matalino ay nalalaman niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa ay isang malawak na pananagutan , at nais niya na ituro ng Dios paano maging isang uri ng asawa na nais sa kanya ng Dios.
Sa araling ito, ating pagtibayin kung ano ang kahulugan para sa babae ang ibigay sa asawang lalaki ang makatwirang lugar niya sa kanyang buhay – lugar na itinalaga ng Dios para sa kanya, at dahil dito, tumatatag ang kanyang kapangyarihan sa tahanan.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Isa sa pinakamahalagang aral sa bata ay ang matutunan ang gumalang sa kapangyarihan. Ang aral na ito ay nagsisimula sa tahanan.
Sa araling ito , ating isaalang-alang ang mga dahilan na kailangan ng mga bata para sumunod. At in ding titingnan ang pangmatagalang bunga nito sa buhay ng mga natutong gumalang sa kapangyarihan at doon sa hindi.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon


Ang disiplinado at masunuring mga bata ay hindi “basta nangyayari’ nang higit kaysa sa isang bulaklak sa hardin ay hindi “basta nangyayari.” Pareho itong nangangailangan ng pagsisikap.
Sa araling ito, higit nating tatalakayin ang bahaging saan ang mga magulang ay may pananagutan sa pagsasanay sa kanilang mga anak. Atin ding isaalang-alang ang mga pangyayari sa pamilya na nagtiis ng pagdadalamhati sapagkat ang mga magulang ay nabigo sa kanilang pananagutan sa kanilang mga anak.

Panoorin/Idownload ang Aralin icon
Panoorin/Idownload ang Aralin icon
Panoorin/Idownload ang Aralin icon
Panoorin/Idownload ang Aralin icon
Pnoorin/Idownload ang Dokumento icon