Si Jesus ang ating halimbawa sa pagdadala ng mabuting balita sa mga tao sa lahat ng dako at nais Niya na ating ibahagi ang ebanghelyo kahit saanman tayo pumaroon. Itong aralin ni Jean Baptiste Sawadogo ay makatutulong sa mambabasa na maunawaan ang tunay na kalikasan ng ebanghelismo. Ang pagkaalam sa mga panuntunan na nasa mga aralin ay makatutulong sa mga mananampalataya na ibahagi si Cristo sa mga tao sa kanyang kapaligiran sa mas positibo, nakakahikayat at makapangyarihang paraan.
Kung nais mong magpatayo ng bahay, ano ang unang hakbang? Bago mo umpisahan ang paggawa, kailangan may plano ka. Ating mababasa sa Matandang Tipan ang sabi ng Dios sa Kanyang bayan na tayuan Siya ng dakong mapagsambahan sa Kanya. Binigyan Niya sila ng plano. Nang sila’y sumunod ang guasali ay naitayong matagumpay, at ang Dios ay nalugod.
Marahil iyong natatandaan ang panahon nang ikaw ay sinasanay para sa iyong trabaho. Hindi mo natutunan ang lahat sa isang araw. Nagsasanay ka hanggang kaya mo nang gawin ang iyong trabaho. Ganoon din sa iyong pagpapatotoo bilang Cristiano. Marami kang matututunan habang ibinabahagi mo si Cristo sa iba. Sa aralin iyong makikita kung anong paghahanda ang kailangan natin para makahikayat ng kaluluwa para kay Cristo.
Isang kawikaan na Africano ang nagsasabi, “Ang isang kamay ay hindi makapagtatayo ng bahay.” Sinasabi ng Biblia, “Ang lubid na may tatlong pilipit ay di agad malalagot” (Mangangaral 4:12). Itong mga kawikaan ay totoo. Para nakapagpatayo ng bahay kailangan ang maraming kamay. Hindi kaya ng kantero ang buong trabaho. Ang sabi ni Cristo, “Itatayo Ko ang Aking iglesya.”Ngunit Kanya tayong tinawag upang gumawang kasama Niya sa dakilang gawaing ito. Bawat isa sa atin ay may bahagi.
Isang kawikaan ang nagsasabi, “Ang pag-iingat ay mas mabuti sa magpagaling.” Kung mas alam natin ang mga balakid mas lalo natin itong mapagtatagumpayan. Nakita natin sa huling aralin ang ilang mga pangangailangan sa pagbabahagi ng mabuting balita. Ngayon ating tingnan paano mapagtagumpayan ang ilan sa mga balakid sa pagbahagi ng ebanghelyo. Tandaan, sa Dios ,lahat ay maaari!
Magkakaiba ang lahat ng tao. Ang mabisa sa isang bansa ay maaaring hindi sa iba. Mas malimit na kailangan nating gumamit ng magkakaibang paglapit sa tao. Kapag pinag-uusapan natin ang paglapit sa ebanghelismo personal, ibig nating sabihin ay mga hakbang na gagawin para abutin ang isang tao para kay Cristo. Ating napag-aralan paano natin mapagtagumpayan ang ilang mahalagang pangkulturang balakid. Isaisip ito habang pinag-aaralan kung paano ang paglapit sa tao.
May alam ka bang kalye o gusali na ipinangalan bilang pagbigay galang sa isang tao? Ginagawa ito bilang gantimpala at pagkilala sa kanila. Sila ay ginantimpalaan sapagkat nakagawa sila ng isang bagay na nakatulong sa kanilang mga kapwa o sa kanilang komunidad. Ito ay isang dakila at mahalagang gantinpala. Walang sahod na maaaring maihambing sa ganitong karangalan. Ngunit lahat ng mga gantimpalang ito ay lilipas. Ganoon man, ang gantimpala na ibibigay ng Dios ay walang hanggan at kahit kailan hindi lilipas.