Malugod kang tinatanggap sa Globalreach org!
Ikaw ba’y naghahanap ng mga sagot sa mga mabibigat na mga tanong? Ang lugar na ito ay nakadisenyo para tulungan kang makita ang ilang mga sagot. Sa buong globalreach org makitkita mo ang mga kurso na napag-aralan na ng 175 mga bansa sa higit na 120 wika.
Karamihan sa mga kurso ay naimprinta na. Maaari mo itong kopyahin hanggang gusto mo. Ang iba ay nasa audio o video.
Ilan sa mga kursong ito ay nagsasaliksik tungkol sa buhay, ang pamumuhay at anong mangyayari pagkatapos ng kamatayan. Ang iba ay tumatalakay sa mga paksa tungkol sa pag-aasawa,tahanan, moralidad at komunidad.
Ang Globalreach org ay pumili ng mga kursong ang disenyo ay tutulong sa iyo upang matuklasan mo ang Dios, mamuhay kang Cristiano at paglingkuran ang iba. Lahat ng kurso ay walang bayad. Bumalik na malimit upang makita ang mga bagong kurso sa dagdad na wika.
Tampok na Kurso
Maraming mga kabataan ang kumukuha sa kursong ito bilang paghahanda sa pag-aasawa at makita ang ilang nasubok na nang panahon na mga tuntunin sa pagbuo ng isang masayang tahanan. Habang kanilang pinag-aaralan itong aralin ni Rex Jackson, ang mga miembro ng pamilya ay matututong magpahalaga sa bawat isa habang natututunan ang pangunahing panuntunan ng tamang pakikipag-ugnayan sa tahanan. Ang pag-aasawa ay tinatag ng Dios at ang pamilya ang tumatayong gusali ng lipunan. Kung walang malakas at matatag na pamilya, ang iglesya ay hindi magiging kagaya ng naisin ng Dios para sa kanya. Ang araling ito ay tumatalakay sa lahat ng aspeto ng pag-aasawa at ang tahanan upang ang pamilya ay maging malakas na masasandigan ng iglesya.